PWD SA MULANAY, KINAKALINGA AT INAARUGA

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Mulanay sa pamumuno ni Mayor Kuya Aris Aguirre ay nakikisa sa selebrasyon ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang Aksesibilidad at Karapatan ng mga Taong may Kapansanan: Daan Tungo sa Sustenableng Kinabukasan na Walang Maiiwan.

Ginanap noong ika-21 ng Hulyo 2023, sa Mulanay Municipal Covered Court ang pamamahagi ng wheelchair, stroller, walker at saklay sa ilang Mulanaying may kapansanan. Kasabay rin nito ang paggawad ng livelihood assistance sa dalawang samahan ng PWD na nagkakahalaga ng Php 20,000.00 mula sa Brgy. Mabini at Php 30,000.00 mula sa Brgy. Pakiing. Tampok rin sa aktibidad na ito ang ginanap na Ms. NDPR 2023 na ang nagkamit ng Grand Winner ay mula sa Brgy. Matataja na si Shamelle Joyce R. Portugal. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni MSWD Officer, Mr. Gerald Dimaano na dinaluhan nina Konsehal Andy Baronia at Konsehal Vicky Sarapat.

You May Also Like

More From Author

+ There are no comments

Add yours