
3.8 MILYONG HALAGA NG FIRE TRUCK SA MULANAY, QUEZON MALAKING TULONG ITO SA PAG-RESPONDE SA MGA SUNOG
Maari ng mapapakinabangan ang Modernong Fire Truck ng Mulanay, Quezon matapos ang blessings nitong February 27, 2023.
Ayon sa Mulanay, Quezon Public Information Ito umano ay ang ikatlong firetruck ng kanilang Bayan na nagkakahalaga ito ng 3.8 Million pesos na kayang magkarga ng isang libong litro ng tubig at ang pondo na ginamit na
ipinambili dito ay nagmula sa Local Disaster Risk Reduction Management Fund.
Kabilang ito sa programa ng bagong administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Aris Aguirre na magkaroon ng panibagong kagamitan sa kanilang bayan bilang suporta sa Mulanay Fire Station upang makatulong sa pag-responde sa mga sunog at iba pang kalamidad.
Itinaon ang naturang blessings sa mismong unang Araw ng buwan ng Marso kasabay na rin sa pag-obserba sa National Fire Prevention Month ay isinagawa ang pagba-basbas sa bagong firetruck ng Mulanay na dinaluhan ng Acting Municipal Fire Marshall Roy Ariel Guerrero, mga kawani ng BFP Mulanay, Acting Municipal Administrator Cristobal Jorge F. Bainto bilang kinatawan ni Punong Bayan Kuya Aris Aguirre, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Mulanay, mga Hepe ng ibat-ibang Lokal na Tanggapan, at mga kinatawan mula sa ibat ibang organisasyon sa Bayan ng Mulanay.
Hangad ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Mulanay na mapanatili ang status nito sa pagiging โBeyond Compliantโ sa Gawad Kalasag. Ang pagiging โBeyond Compliantโ sa Gawad Kalasag ay ang pinaka-mataas na parangal na iginagawad ng Office of the Civil Defense para sa mga ahensya at lokal na pamahalaan para sa kanilang ginagawang interbensyon pagdating sa tinatawag na Disaster Risk Reduction Management.
Nabuo ang proyektong ito dahil noong October 24, 2020 ay nagkaroon ng malaking sunog sa kanilang lugar at kinailangan pa ng responde ng mga karatig bayan dahil sa iisa lamang umano noon at sira pa ang firetruck ng Mulanay Fire Station kaya’t agad binigyan ng solusyon ng Alkalde ang naturang problema para hindi na maulit pa ang kapos sa pamatay sunog.
Layunin ni Aguirre ang pagkakaroon ng tinatawag na โpro-active approachโ upang sa mga kalamidad kagaya ng sunog ay handa ang Bayan ng Mulanay sa mabilisang tugon.
Matatandaan na noong December 15, 2021 ay pinagkalooban ang Bayan ng Mulanay ng isang modernong firetrcuk ng BFP sa pamamagitan ni Senator Ronald โBatoโ Dela Rosa, noong panahong iyon ay ang senador ang pinuno Senate Committee on Public Safety, ito ay bilang tugon sa request ni Former SOJ Atty. Vitaliano Aguirre II.
Via JR Narit
Kuya Aris Aguirre – Mayor of Mulanay
Source/Photo: Angelito โGeloโ T. Amisola
Public Information Officer
Mulanay LGU
MGA KA-RONDA!
Please Like, Share and Follow our Facebook Page #RondaBalitaProbinsya#rondabalitaprobinsya
https://www.facebook.com/RondaBalitaProbinsya


+ There are no comments
Add yours