
Sa patuloy na pagsubaybay ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at alinsunod sa deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na ituring ang mpox (dating kilala bilang monkeypox) bilang isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC), muling nakapagtala ng isang bagong kaso ng MPOX sa Pilipinas. Ang huling kaso ng mpox ay naiulat noong Disyembre 2023, at ang lahat ng mga naunang kaso ay matagumpay na na-isolate, naagapan, at tuluyan nang gumaling.
Bilang tugon sa banta ng MPOX, hinihikayat ng DOH at nang ating Municipal Health Office sa ilalim ng Pamahalang Bayan ng Mulanay na ang lahat na mag-ingat, maging mapagmatyag, at sumunod sa mga health reminders upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito. Bukod pa rito, mahalaga ring labanan ang pagkalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng takot at pagkalito sa ating komunidad. Narito ang ilang mahahalagang hakbang na dapat tandaan:
๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐
- Ano ang Mpox?
Ang mpox ay isang bihirang sakit na dulot ng Mpox virus, na may mga sintomas na katulad ng bulutong, gaya ng lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, at pantal na maaaring magresulta sa paltos at sugat. Ang sakit na ito ay kadalasang tumatagal ng dalawa hanggang apat na linggo at maaaring magtapos ng kusa sa mga may malusog na immune system. - Paano Kumakalat ang Mpox?
Ang virus ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnay sa mga sugat o paltos ng taong may mpox, pati na rin sa mga bagay na ginamit ng taong nahawaan, tulad ng damit o beddings. Maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng respiratory droplets mula sa malapitang pakikipag-ugnayan. - Mga Sintomas ng Mpox
Ang mga pangunahing sintomas ng mpox ay kinabibilangan ng lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, pamamaga ng lymph nodes, at isang pantal na maaaring magsimula sa mukha at kumalat sa ibang bahagi ng katawan. Mahalagang agarang kumonsulta sa doktor kung makaranas ng mga sintomas na ito, lalo na kung may kasaysayan ng paglalakbay sa mga lugar na may kaso ng mpox.



๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐๐
- Panatilihin ang Malinis na Kapaligiran: Hugasan nang madalas ang mga kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alcohol-based sanitizer.
- Iwasan ang Direktang Pakikipag-ugnayan sa mga May Sintomas: Limitahan ang direktang pisikal na kontak sa mga taong may mga sugat o sintomas ng mpox.
- Gumamit ng Personal Protective Equipment (PPE): Kung kinakailangan, magsuot ng face mask at guwantes, lalo na kung nag-aalaga ng taong maaaring may mpox.
- Linisin at I-disinfect ang mga Bagay na Ginamit ng mga May Sakit: Siguraduhing linisin at i-disinfect ang mga gamit at espasyong ginamit ng taong may sintomas upang maiwasan ang pagkakahawa.
๐๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
- Sumangguni Lamang sa mga Opisyal na Pinagmumulan: Ang impormasyon mula sa DOH, WHO, at mga pinagkakatiwalaang institusyong medikal ay maaasahan at base sa siyentipikong ebidensya.
- Magbahagi ng Tamang Kaalaman: Ipaalam sa pamilya at komunidad ang tamang impormasyon tungkol sa mpox upang mapanatili ang kalmadong kaisipan at maiwasan ang panic.
๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐?
Ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapanatili ng kalusugan ng komunidad. Patuloy na sundin ang mga health protocols, manatiling alerto, at maging responsable sa pagharap sa anumang banta ng sakit. Sama-sama nating protektahan ang ating mga pamilya at ang buong komunidad laban sa mpox.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Mulanay Health Office at buksan ang kanilang facebook page https://www.facebook.com/rhu.mulanay at ang website ng DOH https://doh.gov.ph/ o sundan ang kanilang mga social media channels para sa pinakabagong balita at mga abiso.
+ There are no comments
Add yours