๐—Ÿ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ฒ๐—ณ ๐—˜๐˜…๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฌ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ!

Isang makasaysayang sandali para sa Bayan ng Mulanay, Quezon matapos tanghalin si Hon. Aristotle Aguirre, Punong Bayan ng Mulanay, bilang Honorary Local Chief Executive of the Year sa prestihiyosong 8th Nation Builders and MOSLIV Awards.

Ang nasabing parangal ay pagkilala sa kanyang natatanging pamumuno, malawak na bisyon, at hindi matitinag na dedikasyon para sa patuloy na pag-unlad ng Mulanay. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, nakita ng bayan ang mga makabuluhang reporma, programang pangkaunlaran, at mga inisyatibang naglalayong iangat ang kalidad ng pamumuhay ng bawat Mulanayin.

โ€œAng parangal na ito ay hindi lamang bunga ng aking mga pagsisikap, kundi patunay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng buong Mulanay. Iniaalay ko ito sa aking mga kababayan na nagsisilbing inspirasyon at dahilan ng aking paglilingkod,โ€ ani Mayor Aguirre.

Kinikilala rin sa parangal ang kanyang adbokasiya na itaguyod ang Mulanay bilang Bamboo Capital ng Ikatlong Distrito ng Quezon, isang hakbang na hindi lamang pangkabuhayan kundi pananggalang rin sa epekto ng climate change at pagpapalakas sa lokal na industriya.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Mayor Aguirre sa Nation Builders at MOSLIV Awards, kay Mr. Kenneth Rocete, CEO ng award-giving body at kapwa Mulanayin, at kay Sir Karl S. MacClean, Chairman at Publisher ng MOSLIV.

โ€œHindi rin magiging ganap ang tagumpay na ito kung wala ang aking pamilya na palaging kasama ko sa bawat yugto ng aking serbisyo sa bayan,โ€ dagdag pa niya.

Isang Inspirasyon ng Bagong Mulanay

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang personal na tagumpay ng alkalde, kundi isang kolektibong tagumpay ng buong Mulanay. Isang patunay na sa pagkakaisa, dedikasyon, at tunay na serbisyo, kaya nating abutin ang progresibong kinabukasan.

You May Also Like

More From Author

+ There are no comments

Add yours