
Ang F. Nanadiego po ang ika-12 location na pinagdausan natin ng medical mission, magmula noong unang pagdaraos natin ng medical mission dito sa ating bayan. Kaya, lubos at taos puso po aking pasasalamat sa mga tumulong para ito maisakatuparan, sa pangunguna ng aking kaibigan, ang Assistant Medical Director ng East Avenue Medical Center at isa sa mga Board of Directors ng Subic Metropolitan Authority (SBMA) Dr. Allan Troy D. Baquir at sa mga doktor na nagbigay ng kanilang libreng serbisyo para sa mga Mulanayin. Lubos rin ang ating pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng F. Nanadiego at sa pamunuan ng Pinagpalapalahan Elementary School na pinagdausan ng ating medical mission. Sa ating mga partners kagaya ng Quezon Provincial Government sa pangunguna nina Governor Doktora Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, Congressman Reynante Arrogancia at Bokal JJ Aquivido, sa Bene Batch ’92 ng San Beda College Alabang, sa Lions Club, sa East Avenue Medical Center, sa Mulanay Drugs, sa lahat ng kawani ng Mulanay LGU, particulary sa ating Rural Health Unit sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer Dr. Maria Elena Ormasa-Peña, sa aking mga brothers sa kapatiran ng Tau Gamma Phi at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang medical mission na ito.
Makakaasa po kayong lahat na tuloy-tuloy ang pagdaraos ng mga medical mission sa ating bayan. Ito po ay isang commitment para sa mga Mulanayin. Dahil naniniwala po tayo ang pagkakaroon ng malusog ng pamayanan, ay salamin ng pag-angat at pag-asenso ng ating bayan.







+ There are no comments
Add yours