Opisyal nang inaprubahan noong Marso 3, 2025, ng Sangguniang Bayan ng Mulanay, Quezon ang isang ordinansa, adopting the “Himno ng Mulanay” as the town’s official hymn na isinulong ni Konsehal Kristine “Tinan” Aguirre-Adao na pinangalawahan ng nakakarami na naglalayon na palakasin at maipagmalaki ang pagkakakilanlan ng kultura ng mga Mulanayin.
Sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 01, Series of 2025, ang “Himno ng Mulanay” ay mandatory ng kakantahin tuwing flag ceremony, mga opisyal na pagtitipon, gayundin sa mga aktibidad at programang isinasagawa ng lokal na pamahalaan.
Ipinag-uutos ng ordinansa sa Lokal na Pamahalaan (LGU) na tiyakin ang tamang pagpapakilala ng himno sa mga paaralan, opisina ng gobyerno, at mga samahan ng komunidad. Magbibigay ng tugtog at liriko upang mapadali ang pagkatuto ng naturang himno.
+ There are no comments
Add yours