
Ngayong pagpasok ng taong 2024, may magandang balita ang Lokal na Pamahalaan at Sangguniang Bayan ng Mulanay sa pangunguna ng inyong lingkod, Vice Mayor Jay Castilleja kasama ang Municipal Tricycle Franchising Regulatory Board (MTFRB) para sa lahat ng mga tricycle drivers and operators sa ating bayan; ito ang:
RENEW & REGISTER PARA WINNER!
Ito ay proyekto upang mahikayat ang mga tricycle drivers and operators na maaagap na magparehistro o mag-renew ng kani-kanilang prangkisa para sa taong ito ngayong buwan ng Enero.
Registered o renewed ka na, may chance ka pang manalo ng mga papremyo buhat sa Tanggapan ng Halig Punongbayan at Municipal Tricycle Franchising Regulatory Board (MTFRB).
Narito ang paraan ng pagsali:
1. Ihanda ang mga dokumento sa pagpaparehistro o pagri-renew katulad ng:
a. OR/CR ng Tricycle
b. Barangay Clearance
c. Police Clearance
d. Community Tax Certificate (Cedula)
e. Certificate of Membership (na manggagaling sa inyong TODA)
f. Official Receipt of Payment (na manggagaling sa Municipal Treasurer’s Office)
2. Magtungo sa tanggapan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) at hanapin si Sir Joseph D. Mendoza upang mai-proseso ang inyong mga dokumento.
3. Matapos nito ay magtungo sa tanggapan ng Municipal Tricycle Franchising Regulatory Board (MTFRB) at hanapin si Sir Jeolito Rejano o Ma’am Lagracia Espinosa.
4. Pagkatapos ng pagpaparehistro o pagri-renew, siguradong kasama na ang inyong pangalan sa online raffle na mangyayari sa February 2, 2024. (Lahat ng nagrehistro at nagrenew sa buwan ng Enero)
5. Narito ang mga papremyo:
a. 5 Winners of P1,000.00/each
b. 5 Winners of 1 sack 25kg of rice/each
c. 1 Winner of P3,000.00
Kaya ano pa ang hinihintay n’yo? Sugod na sa pagpaparehistro o pagri-renew ng inyong mga prangkisa at baka ikaw na ang swertehin ngayong 2024!

+ There are no comments
Add yours