


























Noong ika-3 ng Pebrero, 2024, sa Municipal Covered Court ay ginanap ang napakasayang Kalamay Cooking Contest kasabay ng pagdaraos ng Cocolunay Festival. Hindi tulad ng karaniwang Kalamay na inaasahan, ang contest na ito ay nagbigay daan sa mga likas at malikhaing isipan ng mga taga-Mulanay, naglunsad ng iba’t ibang bersyon at timpla ng Kalamay na siyang tampok sa kapiyestahan ng bayan. Ang dating paborito at tradisyonal na matamis na handa ay napagtuunan ng bagong imbensyon, isang masiglang halimbawa kung paanong ang tradisyon at modernisasyon ay maaaring magtaglay ng kakaibang tamis at kasiyahan.
Ang mga kalahok ay nagtanghal ng kanilang mga likha sa harap ng mga hurado, na puno ng pag-asa at pananabik. Mayroong Kalamay na may caramel at cinnamon, pinaasim na timplado ng manggang hinimay, toasted kalamay with cheese, kalamay roll with ube twist, kalamay na may halo-halong prutas at nangingibabaw na tikoy, kalamay na may malunggay at kahit na kalamay na may pinagsamang langka at niyog. Ang malawak na imahinasyon at kasanayan upang lumikha ng bagong bersyon ng kalamay ay nagpaalab ng kakaibang panlasa na ito ay nagpapakita ng husay at kahusayan ng mga taga-Mulanay sa larangan ng kulinariya.
Ang Kalamay Cooking Contest with a Twist, ay nagbigay-diin sa yaman ng kultura at kahusayan ng Mulanay. Bahagi ito ng pagkakaisa at pagtutulungan hindi lamang upang ipagpatuloy ang tradisyon ng Kalamay, kundi upang baguhin ang tingin ng mga tao sa paggamit at importansya ng niyog sa bayan ng Mulanay. Ito din ang nagpapatunay na ang tradisyon at modernisasyon ay maaaring magsanib upang magdala ng bagong sigla at pag-asa sa isang bayan. Ang Kalamay ng Bayan ay hindi lamang matamis sa panlasa, kundi nagdadala rin ng tamis at saya sa puso ng bawat taga-Mulanay.
+ There are no comments
Add yours