Mapalad po ang ating bayan dahil tayo po ang naging host municipality ngayong araw, Mayo 28, 2024, sa ginanap na Marketing Forum on “Fresh & Processed ARC Products”. Ang nasabing forum ay nilahukan ng ating mga kababayang agrarian reform beneficiaries mula sa iba’t ibang karatig bayan gaya ng General Luna, Buenavista, at Pitogo.




Ang layunin ng forum na ito ay bigyan ng kaalaman ang mga benepisyaryo sa tamang pamamaraan ng pagma-market ng kanilang mga produkto. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman sa marketing, mabibigyan sila ng pagkakataon na mapataas ang kita at mapalawak ang saklaw ng kanilang negosyo.
Nagpapasalamat po tayo sa mga ahensyang katuwang natin sa pagsasakatuparan ng gawaing ito, partikular ang DAR Quezon II Provincial Office at DTI Quezon Province. Ang kanilang suporta at pagsusumikap ay naging susi upang maging matagumpay ang forum na ito. Sa tulong ng mga ito, naipapamalas natin ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad ng ating mga kababayang agrarian reform beneficiaries.

Ang nasabing forum ay nagbigay-daan din upang mas mapalawak ang ating kaalaman sa ibaโt ibang aspeto ng agrikultura, mula sa produksyon hanggang sa tamang pagpoproseso ng mga produkto. Dahil dito, inaasahan natin na mas magiging handa at epektibo ang ating mga kababayan sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo.

Sa patuloy na pagsuporta ng ating lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya, tiyak na mas mapapabuti pa ang kabuhayan ng ating mga agrarian reform beneficiaries. Ang matagumpay na pagdaraos ng Marketing Forum na ito ay isa lamang patunay na kaya nating abutin ang mas progresibong kinabukasan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan.


+ There are no comments
Add yours