Mulanay Gawad Kalasag Seal of Excellence – FULLY COMPLIANT

Kinilala pong muli ang ating bayan bilang FULLY COMPLIANT sa katatapos lamang na 23rd Gawad Kalasag Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance – Regional Awarding Ceremony.

Ang parangal pong ito ay bunga ng pagiging laging handa at mabilisang aksyon natin sa panahon ng kalamidad at sakuna. Nagpapasalamat tayo sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Mulanay, sa pangunguna ni MDRRMO Willy P. Lincallo, MDRRMC Council, at sa lahat ng sangay na kaakibat natin upang makamit ang parangal na ito.

You May Also Like

More From Author

+ There are no comments

Add yours