Tagumpay ng Atletang Mulanayin sa 27th Congressional District III Athletic Meet 2024

Isang malaking karangalan ang naiuwi ng ating mga manlalarong Mulanayin sa ginanap na 27th Congressional District III Athletic Meet 2024 sa bayan ng Catanauan, Quezon. Ang Congressional District Athletic Meet (CDAM) ay isang taunang kaganapan sa larangan ng palakasan sa Pilipinas na idinaraos sa pagitan ng iba’t ibang paaralan sa loob ng isang kongresyunal na distrito. Ito ay isang multi-day event na ginaganap ang iba’t ibang kompetisyon sa palakasan para sa mga mag-aaral mula sa elementarya hanggang sekondarya na paaralan.

Ang 2024 CDAM ay kasalukuyang ginaganap sa iba’t-ibang distrito habang ang iba naman ay nakatakda pa para sa mga susunod na petsa. Narito ang ilang detalye tungkol sa kaganapan:

  • Tagal ng Kaganapan: Karaniwang tumatagal ang Athletic Meet ng 3-4 na araw.
  • Mga Kaganapan: Kasama sa kaganapan ang iba’t ibang track and field events, pati na rin ang iba’t ibang sports tulad ng basketball, volleyball, badminton, at sepak takraw.
  • Mga Kasali: Ang mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa loob ng kongresyunal na distrito ay maaring lumahok.
  • Kahalagahan: Ang CDAM ay isang prestihiyosong kaganapan na nagbibigay daan para sa mga atletang mag-aaral na ipakita ang kanilang mga kakayahan at talento. Ito rin ay nagtataguyod ng sportsmanship, pagkakaroon ng magandang samahan, at masayang kompetisyon sa mga partisipanteng paaralan. Ang mga mananalong atleta ay sasabak sa Palarong Quezon na gaganapin sa March 7-10, 2024 sa Bayan ng Atimonan, Quezon.

Ang mga atletang Mulanayin ay nag-uwi ng 53 gintong medalya, 18 na pilak, at 22 na tansong medalya at tinanghal na kampeon sa halos lahat ng palarong pampalakasan at magpapatuloy na lalaban sa Palaraong Quezon. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang nagbibigay ng karangalan sa bayan, kundi nagdudulot rin ng inspirasyon sa mga taga-Mulanay.

Ranking

  • Overall Rank Elementary Level – 1st Place
  • Overall Rank Secondary Level – 1st Place
  • Alternative Learning System (ALS) – 1st Place

Special Awards

  • Best in Parade – 1st Place
  • Best in Saludo – 2nd Place
  • Best in Documents – 2nd Place

Ang dedikasyon at husay ng mga Atleta ay nagpapakita ng kahalagahan ng sipag, tiyaga, at determinasyon sa pag-abot ng mga pangarap. Ang tagumpay na ito ay nagpapatunay na ang Mulanay ay puno ng talento at kakayahan sa larangan ng palakasan. Ito ay isang magandang halimbawa ng pagkakaisa at pagtataguyod ng sportsmanship sa komunidad ng Mulanay.

Patuloy ang suportang ibinibigay nang ating Lokal na Pamahalaan at hinihimok natin ang mga Atleta na ipagpatuloy ang kanilang magandang performance at maging inspirasyon pa sa iba. Mabuhay ang tagumpay ng Atletang Mulanayin, at mabuhay ang Bayan ng Mulanay!

You May Also Like

More From Author

+ There are no comments

Add yours