Tagumpay ng Bayanihan: 35 Blood Donors, Nagbigay Buhay sa Mulanay!

Sa pamamagitan ng suporta mula sa ating butihing Mayor Kuya Aris Aguirre, kasama ang buong Sangguniang Bayan at katuwang ang QMC Bloodbank at Municipal Health Office – Mulanay Rural Health Unit, matagumpay nating naisagawa ang Blood Letting Activity noong araw ng Martes, Mayo 28, 2024, sa Mulanay Municipal Covered Court.

Sa nasabing aktibidad, 35 na masisigasig na blood donors ang nagbigay ng kanilang dugo upang makatulong sa mga nangangailangan. Ang kanilang walang kapantay na dedikasyon at kabutihang-loob ay lubos na nagpapakita ng diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa.

Lubos ang aming pasasalamat sa bawat isa sa inyo, mga donor, na naglaan ng oras at nagbigay ng bahagi ng inyong sarili para sa ikabubuti ng iba. Sa inyong tulong, maraming buhay ang nailigtas at patuloy na maliligtas. Ang inyong kabayanihan ay nagsilbing inspirasyon sa ating lahat.

“Muli, maraming salamat sa ating 35 blood donors! Taos pusong pasasalamat sa inyo.” Mayor Aris Aguirre – Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mulanay

You May Also Like

More From Author

+ There are no comments

Add yours