







Taun-taon, mahalaga ang pagtitipon ng mga lokal na pamahalaan at ng pamahalaang probinsya ng Quezon upang talakayin ang mga prayoridad na proyekto para sa mga sumusunod na taon. Ang temang “Tulay sa Progreso: Bridging NG-LGU Partnership Towards a Healthy and Prosperous Province of Quezon & UGNAYAN Tungo sa Aktibo, Matatag at Tumutugon na BalikaTAN Congress-NG-LGU Leadership, Dialoque and Tripartite Cooperation” ay naglalayong patatagin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng pamahalaang lokal, rehiyon at nasyonal upang mapabilis ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga sektor sa lalawigan. Ang pangalawang patawag ng Tulay sa Progreso ay isinagawa sa Diamond Residences sa Makati City na naglalayong mailapit ang mga Mayor sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan. Ang takbo ng pagpupulong ay iniharap ni Gov. Doktora Helen Tan, na nagmungkahi ng mga plano at proyekto na layong tugunan ang mga pangangailangan ng bawat sektor na bahagi ng kanyang HEALING Agenda.
Layunin ng pagtitipon na magbigay ng pagkakataon para sa pagpapalitan ng mga mahahalagang ideya mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan tulad ng pamahalaang probinsyal, lokal na pamahalaan, mga ahensya ng pambansang pamahalaan, at mga kinatawan sa kongreso upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at serbisyo para sa mga Munisipalidad. Nais ng Tulay na punan ang mga agwat sa pagitan ng mga kasalukuyang programa, proyekto, at pangangailangan ng mga mamamayan. Itinataguyod ng Tulay ang diyalogo at mabuting pamamahala sa pamamagitan ng pagkakasundo, pakikilahok, pagiging bukas, pagiging responsibo, at pagiging kasali upang isulong ang karapatan ng mga tao sa mga mahahalagang serbisyo at kaunlaran ng Probinsya.
Sa unang araw ay binigyan ng oras ang lahat ng Bayan upang magbigay ng presentasyon ukol sa mga isyu at suliraning kinahaharap ng bawat bayan at ang kani-kanilang pangunahing program at proyekto. At ang sinundan na araw ay ang pangalawang bahagi ng programa ng Tulay kung saan ang mga iba’t-ibang ahensiya ng rehiyon at nasyonal ay tinalakay ang kanilang mga programa at proyektong nakalatag para sa Probinsiya ng Quezon. Ang bayan ng Mulanay sa pangunguna ng punong bayan na si Aristotle L. Aguirre ay nagbigay ng kanyang mga kasalukuyang ginagawa at mga nakahanay na proyektong pangkaunlaran para sa bayan ng Mulanay. Makikita sa sumusunod na presentation link ang mga proyektong nakalatag para sa bayan ng Mulanay.
+ There are no comments
Add yours